October 13, 2026 | News by PISD

𝗠𝗮𝘀 𝗸𝗼𝗺𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗻𝗮 𝗯𝗶𝘆𝗮𝗵𝗲 𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗺𝗼?
Sa pamamagitan ng RRCG P2P Bus Service ng RRCG Transport System Co., Inc., direkta nang makakabiyahe mula Batangas Port hanggang sa NAIA Terminal 3 ang mga commuter, pasahero, turista at OFWs sa ating lalawigan.
Mayroon din silang libreng airport shuttle service na ibinibigay sa mga pasaherong patungo sa NAIA Terminal 1, 2 at 3 upang mas mabilis ang pagdadala ng mga bagahe sa kanilang terminal.
Para sa mga interesado, maaaring direktang mag-book sa kanilang official website na https://rrcgbus.ph/ .

