October 9, 2026 | News by PISD

πππππ§ π¨π£ πππ¨π
Nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pagpapalaganap ng kamalayan at pagpapahayag ng solidong suporta sa Light Up Blue campaign ng Philippine Mental Health Association (PMHA) bilang pagpapahalaga sa kalusugang pangkaisipan ng bawat isa.
Gayundin, hinihikayat ang lahat na maging mas maunawain at sensitibo sa pinagdadaanan ng ating mga kapamilya, katrabaho o kaibigan. Ipakita at iparamdam natin na hindi sila nag-iisa sa kani-kanilang mga suliranin sa buhay.
Maging ilaw nawa tayo ng pag-asa tungo sa mas malusog na isipan at nagkakaisang Oriental MindoreΓ±o.

