October 10, 2026 | News by PISD

𝐃𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐚𝐢𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐞 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐎𝐫𝐌𝐢𝐧-𝐏𝐏𝐎) 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧.
Isang indibidwal na kabilang sa Top Ten Most Wanted Person, Rank No. 8 sa Regional Level, ang naaresto ng kapulisan sa Brgy. Malabo, Victoria, Oriental Mindoro, dakong hapon noong October 9, 2026. Samantala, sa ibang operasyon, Isang 23-anyos na lalaki ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng kapulisan sa Sitio Proper, Brgy. Calangatan, San Teodoro, Oriental Mindoro sa parehong araw.
Ang mga matagumpay na operasyong ito ay sumasalamin lamang sa dedikasyon at pagsusumikap ng Philippine National Police (PNP) na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lalawigan.
Muli po, pagbati sa buong Oriental Mindoro Provincial Police Office sa pangunguna ni Provincial Director PCOL EFRAIM A CAMARA.

