October 6, 2026 | News by PISD

₱𝟏𝟖𝟎.𝟎𝟎 – ₱𝟏𝟗𝟐.𝟎𝟎 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐤𝐢𝐥𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐢𝐧𝐚𝐤𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐦𝐢𝐧𝐮𝐦𝐮𝐧𝐠𝐤𝐚𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐞𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐛𝐨𝐲 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨.
Executive Order No. 58 S. 2026
Isang Executive Order na naglalahad ng iminumungkahing batayan ng presyo ng buhay na baboy (Recommended Farmgate Price) at ng inirerekomendang tingiang presyo ng karne ng baboy (Recommended Retail Price) sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Tulad ng napag-usapan noong August 5, 2026 sa pagitan ng Pamahalaan, Hog Industry at Konsyumer, nagtalaga tayo ng isang Price and Cost Monitoring System noong September 16, 2026 sa pangunguna ng Provincial Veterinarian’s Office (ProVet) kasama ang mga kinatawan ng konsernadong ahensya gaya ng DA, BAI, DTI, PSA, NMIS, Municipal/City Agricultural at Veterinary Office para sa pagkalap ng mga impormasyon, validation at consolidation sa magiging Provincial Price Recommendation.
Matapos ang naging konsultasyon noong 1 at 25 Setyembre 2026 kasama ang mga mag-aalaga ng baboy, biyahero/trader, manininda at mamimili ang kabuuang tinatayang gastos ng produksyon ng isang baboy ay Php 14,027.93 bawat ulo, batay sa mga gastusin sa paggawa, biik, feeds, gamut at iba pang pangangailangan. Samantala, Php 135 naman ang average landed price bawat kilo sa tinatayang 90kilos na buhay na baboy na ginamit bilang batayan sa pagkukuwenta ng mga gastusin at kita ng mga biyahero/traders.
Batay sa tinatayang gastos sa produksyon, mga resulta ng isinagawang konsultasyon sa mga kaugnay na stakeholder, at umiiral na kalagayan ng pamilihan, itinakda ang Php 180.00-Php 192.00 bawat kilo bilang iminumungkahing batayang presyo ng buhay na baboy. Ang Php 180.00-Php192.00 bawat kilo ay hindi itinuturing na sapilitang tubo, itinakdang profit margin, floor price, o sapilitang presyo, at hindi naglilimita sa mga partido na magkasundo sa ibang presyo batay sa aktuwal na kalagayan ng kanilang transaksiyon at pamilihan.

