GIS Training para sa mg LGU, isinagawa

October 6, 2026 | News by PISD

Upang mapalakas ang kakayahan ng mga Local Government Unit (LGU) sa lalawigan sa paggamit ng spatial data para sa mas mahusay na pagpaplano, pamamahala, at pangangalaga ng biodiversity at likas na yaman.

Ito ang pangunahing layunin ng isinasagawang pagsasanay sa paggamit ng Geographic Information System (GIS) na pinasimulan ngayong araw sa Blue Harbor Resort, Brgy. San Rafael.

Ang tatlong araw na pagsasanay para sa unang batch ay pinangangasiwaan ng Conservation International Philippines sa ilalim ng Transformative Actions for Climate and Ecologic Protection and Development (TRANSCEND) Project sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Agriculturist’s Office.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, inaasahang mas mapapalakas ang paggamit ng makabagong teknolohiya at tamang datos sa pagbuo ng mga programa at polisiya para sa sustainable development, climate resilience, at pangangalaga ng likas na yaman sa lalawigan.

Lumahok sa unang batch ang mga kinatawan mula sa mga Municipal Agriculturist’s Office ng mga bayan sa Ikalawang Distrito, Provincial Agriculturist’s Office, Provincial Planning and Development Office, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, at iba pang stakeholders.

#thecapitolnews

SOURCE: http://facebook.com/orminpio/posts/pfbid0PemmCDThVq6mBETVbMeAHHDeJZfGSRGLC6tE4EtThEFwW9cz45yfcC8yg45KrfVjl?rdid=iVdwqNlhWZt65jM3#

Scroll to Top