Tamaraw Month 2026, ipinagdiriwang ng Pamahalaang Panlalawigan

October 5, 2026 | News by PISD

๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป

05 Oktubre 2026, Lungsod ng Calapan โ€“ Nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagdiriwang ng Tamaraw Month ngayong buwan ng Oktubre.

Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 273, sentro ng selebrasyon ngayong taon ang temang “Tamaraw at Katutubong Kultura: Mga Yamang Ipinamana, Alagaan Nang Sama-Sama.”

Layunin ng programa na higit pang palawigin ang kaalaman at palawakin ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng tamaraw bilang bahagi ng pagkakakilanlan at katutubong kultura ng Mindoro.

Gayundin, hinihikayat nito ang pagsusulong ng sama-samang pagkilos para sa pangangalaga at proteksyon ng Tamaraw, na itinuturing bilang โ€œcritically endangered speciesโ€, at ng mga kabundukang nagsisilbing kanilang tahanan.

Sa huling tala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), nasa 425 ang bilang ng Tamaraw batay sa isinagawang 2026 Annual Tamaraw Population Count noong Abril sa Mounts Iglit Baco Natural Park (MIBNP).

Pinangunahan naman ng Provincial Government-Environment and Natural Resources (PG-ENRO), sa ilalim ng pamumuno ni PG-ENR Officer Lily May E. Lim, ang kick-off ng nasabing gawain bilang tampok sa flag-raising ceremony ng mga kawani ng Kapitolyo.

Nanawagan si PG-ENR Officer Lim sa mga kawani na makiisa sa higit pang pagpababahagi ng kaalaman upang higit pang mapangalagaan ang tamaraw at biodiversity.

Sinuportahan ito ni Bise Gobernador Antonio โ€œJojoโ€ S. Perez, Jr., na binigyang-diin ang kahalagahan na maitaas ang kamalayan ng publiko tungo sa higit pang pagprotekta sa populasyon ng mga tamaraw.

Tampok din sa gawain ang pagbibigay-aliw ng mascot na si Tammy, na kumakatawan sa Tamaraw, kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Bilang pagpapatuloy naman ng pagdiriwang ng Tamaraw Month, magsasagawa ng Dalaw-Turo ang PG-ENRO sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan sa darating na 14-16 ng Oktubre.

Sinuportahan ang gawain nina Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II, kasama ang department heads at mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, mga kinatawan mula sa PENRO, CENRO, at Tamaraw Rangers mula sa Occidental Mindoro.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02uun5Ps9ny67T3DAfAqiSYa1neVyV7sTL1tQwU5U5KgYz434gS9yBgHV53agg7FMzl?rdid=pxDBIDtvulpt3mJ1#

Scroll to Top