October 3, 2026 | News by PISD

𝗣𝗮𝗴𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘀 𝗠𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗠𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀
Isinagawa ngayong 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲 sa 𝗣𝗹𝗮𝘆𝗮 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 𝗥𝗲𝘀𝗼𝗿𝘁, 𝗣𝗮𝗰𝗵𝗼𝗰𝗮, 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 ang 𝗙𝗲𝗲𝗱𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗼𝗻 𝗠𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗜𝗺𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, na pinangunahan ng 𝗗𝗢𝗛 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗮𝘁 𝗖𝗛𝗗 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗣𝗗𝗢𝗛𝗢, katuwang ang 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 – 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼.
Sa talakayan, iminungkahi ni 𝗗𝗿. 𝗖𝗶𝗲𝗹𝗼 𝗔𝗻𝗴𝗲𝗹𝗮 𝗔. 𝗔𝗻𝘁𝗲, 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗜𝗜, ang pagpapalawak ng coverage ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗬𝗔𝗞𝗔𝗣 at 𝗚𝗔𝗠𝗢𝗧 upang maisama ang mga kinakailangang mental health medicines, bilang bahagi ng pagpapalakas ng access sa abot-kaya at tuloy-tuloy na mental health care.
Iminungkahi rin ang pagtatatag ng 𝗧𝗿𝗲𝗮𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝗵𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 na magsisilbi sa buong 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻, upang higit na mapalakas ang sistema ng pangangalaga, paggamot, rehabilitasyon, at suporta para sa mga nangangailangan ng mental health services.

