Pagbati kay PCGA Aux Commodore Gov. Bonz Dolor

September 29, 2026 | News by PISD 

Pormal nang naitalaga si Gov. Bonz Dolor bilang Auxiliary (Aux) Commodore ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) Executive Squadron.

Kaakibat ng tungkuling ito ang malaking tiwala ng PCG sa kanyang kakayahang mamuno at maglingkod ng buong-puso, tapat at masigasig.

Binibigyang-pagkilala rin ang kanyang naging malaking kontribusyon sa mabilis na pagtugon sa nangyaring oil spill noong 2023 at pagpapanumbalik muli ng sigla ng sektor ng pangisdaan at turismo sa lalawigan. Gayundin ang malaking suportang ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga programang isinusulong ng PCG.

Ito ay isang karangalan para sa Oriental Mindoro. Samantala, isa naman itong bagong tungkulin para sa Ama ng lalawigan upang patuloy na maisulong ang seguridad, kaligtasan, pangangalaga sa karagatan, at paglilingkod sa bayan.

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0tYhxoEsDhbphckzNc7Vduov7TiEgQMJt7DPvvzGYCPN6YrRqJaVp7yu2vmEkzYtbl?rdid=n8uhwm4mGNsdKDi7#

Scroll to Top