Mga hakbang sa seguridad sa nutrisyon ng lalawigan, nakapaloob sa 3rd Quarterly PNC Meeting

September 29, 2026 | News by PISD

Patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa ilalim ng administrasyon ni Governor Humerlito ‘Bonz’ Dolor ang mga programa at hakbangin para sa nutrisyon.

Ito ang naging sentro ng talakayan sa isinagawang 3rd Quarterly Provincial Nutrition Committee (PNC) Meeting ngayong araw na pinangunahan ni Provincial Nutrition Action Officer (PNAO) at PHO II Dr. Cielo Angela A. Ante.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan at koordinasyon, layunin ng Pamahalaang Panlalawigan sa tulong ng sektor ng kalusugan na higit pang maiangat ang mga programang pangnutrisyon na magbi-benepisyo ang lahat ng Oriental Mindoreño.

Sa naging talakayan, nakalap ang mga mungkahi at best practices na magsisilbing gabay sa isasagawang Focused Group Discussion (FGD) para higit na mapabuti ang implementasyon ng mga programa ukol dito.

Kabilang sa mga napagplanuhan ang pagsasanay sa mga bagong BNS, pagpapaigting ng vegetable gardening para sa food security at paghahanda sa banta ng El Niño, at mga pagsasanay sa paglikha ng pagkaing mayaman sa protina, katuwang ang mga kasaping ahensya ng PNC.

Samantala, dumalo at aktibong nakibahagi ang mga Municipal at City Nutrition Action Officer, mga pangulo ng Barangay Nutrition Scholar (BNS), at mga kinatawan ng mga ahensyang kasapi ng PNC.

#thecapitolnews

📸 Nutrisyon OrMin

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0Rgw9ucy3HC9uWijH9RoBwQvfzAvUrp9sRwMXYVWMwNnKaivrz2HzmJ1DzFvoqzAWl?rdid=RRZYpGpePGpvTKBT#

Scroll to Top