September 29, 2026 | News by PISD

Higit pang pinagtitibay ang kaalaman at kakayahan ng Civil Society Organizations (CSOs) tungo sa mas aktibong pakikilahok sa pagpapaunlad ng komunidad.
Sa pagpapatuloy ng ikalawa at huling araw ng Ikalawang bahagi (2nd LEG) ng Academy for Civic Engagement (ACE), tinalakay ang mga karapatan, mahahalagang prinsipyo ng CSOs, at mga pundasyong higit pang huhubog sa kanilang kakayahang mamahala at makiisa bilang katuwang ng pamahalaan tungo sa kaunlaran.
Dininig din ng Pamahalaang Panlalawigan ang kanilang panig ukol sa panukalang presyo ng baboy bilang stakeholders mula sa sektor ng mga mamimili, alinsunod sa Provincial Ordinance 208-2026, o ang “Provincial Pork Price and Cost Monitoring and Price Recommendation Ordinance.
Pinangunahan ni Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II at Acting Provincial Veterinarian Dr. Alfredo Manglicmot ang pagpapaliwanag sa naging resulta ng pagpupulong sa mga meat vendors noong ika-23 ng Setyembre.
Dinaluhan ang gawain ng 30 CSO scholars mula sa iba’t bayan.
Pinangasiwaan ito ni CSO Desk Officer at Acting PGS Officer Atty. Jean Phebie De Mesa, katuwang sina Sarilaya President Provincial Chapter Corazon Morilla, at Doris Melgar mula sa KAFCODE.
