Gob Dolor personal na bumati kay Lolo Maximo Medrano, centenarian sa Victoria

September 29, 2026 | News by PISD

Personal ding binisita ni Governor Bonz Dolor kasama si Special Assistant for Senior Citizens’ Affairs Ester Malapitan si Lolo Maximo Medrano ng Barangay Macatoc, Victoria ngayong Setyembre 29 bilang bahagi ng pagdiriwang sa kanyang ika-100 kaarawan.

Kasama ang mga kinatawan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), OSCA Victoria, OrMin-PPO Provincial Director PCOL Efraim A Camara, Sangguniang Panlalawigan Ex- Officio Member Ralph Jonnel Recto personal na binati ng Gobernador si Lolo Maximo at ipinagkaloob ang Certificate of Recognition, bouquet of flowers at P100,000 cash gift bilang pagkilala sa kanyang pag-abot sa edad na 100.

Isinagawa ang pagbisita sa harap ng pamilya ni Lolo Maximo, na naging bahagi ng paggunita sa mahalagang araw para sa centenarian.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ay regular ang isinasagawang pagkilala sa mga centenarian bilang pagbibigay-pugay at pasasalamat sa kanilang mga natatanging ambag sa kanilang pamilya at komunidad.

Sa pamamagitan ng personal na pagbisita, ipinadama ni Gob. Dolor ang patuloy na pagpapahalaga ng kanyang administrasyon sa kapakanan at at kagalingan ng mga nakatatandang mamamayan sa lalawigan.

#thecapitolnews

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0ax2gYLkf12f6LAdkn2LHFcrA9UPP7sq39wCWCBrHTPd3C2JJ4wNBWAY8hDJDY94Sl?rdid=UGjc2lDKb0Sz82Wz#

Scroll to Top