Gob. Dolor, itinalaga bilang Aux Commodore ng PCGA Executive Squadron

September 29, 2026 | News by PISD

Pormal na kinilala at itinalaga si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor bilang Auxiliary (Aux) Commodore ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) Executive Squadron ngayong araw sa PCG National Headquarters, Port Area, Manila.

Sa harap ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil L Gavan, opisyal na nanumpa ang Ama ng Lalawigan bilang tanda ng kaniyang pagtanggap sa tungkuling makibahagi sa higit pang pagpapatibay ng seguridad ng mga mamamayan, karagatan at ng mga likas na yamang matatagpuan dito.

Suot ang opisyal na uniporme ng PCG na sumisimbolo sa pagseserbisyo para sa bayan, iginawad din kay Gob. Dolor ang Achievement Medal at Ribbon na kumikilala sa kaniyang malaking kontribusyon, at ang Insignia na may isang bituing sumasagisag sa kaniyang ranggo at sa mga responsibilidad na kaakibat nito.

Higit pa sa isang karangalan, bunga ang pagkilalang ito ng kaniyang mahusay na pamumuno bilang Gobernador ng Oriental Mindoro, at ng malaking ambag ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay ng suporta sa mga operasyong pang-seguridad ng nasabing ahensya.

Kabilang na dito ang maagap na pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa PCG upang masolusyunan ang oil spill dulot ng paglubog ng MT Princess Empress noong 2023.

Sinaksihan at sinuportahan naman ang gawaing ito nina PCG Deputy Commander for Administration VAdm Hostillo Arturo Cornelio, PCG Deputy Commander for Operations VAdm Edgar YbaƱez, Coast Guard District Southern Tagalog Commander Geronimo B. Tuvilla, First Lady Hiyas Govinda Ramos Dolor at iba pang mga opisyal at kawani ng nasabing ahensya.

#thecapitolnews

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid03293NEQhTJCb2Lk9AvPua7UiUCbKTya7yZkjr2hW7LNDp8RJiMjJv85JdqtHw1ARwl?rdid=N6UhZy2nEbs4iQWr#

Scroll to Top