Centenarian Isabel Ramboanga ng Victoria, binisita ni Gob. Dolor

September 29, 2026 | News by PISDĀ 

Isang simpleng pagbisita ngunit puno ng pagbati, pagpapahalaga at pagkilala ang hatid ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor kay Lola Isabel Ramboanga ng Barangay Ordovilla, Victoria ngayong araw Setyembre 29.

Kasama ang grupo ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Special Assistant for Senior Citizens’ Affairs Ester Malapitan, OSCA Victoria, OrMin PPO Provincial Director PCOL Efraim A Camara, Sangguniang Panlalawigan Ex-Officio Member Ralph Jonnel Recto personal na nagtungo sa tahanan ni Lola Isabel ang Ama ng Lalawigan upang batiin siya sa kanyang pag-abot sa 100 taong gulang. Ipinagkaloob sa kanya ni Gov. Bonz ang sertipiko ng pagkilala, bouquet of flowers at P100,000 cash gift bilang pagkilala sa kanyang milestone.

Sa ganitong edad, marami nang pinagdaanan at nasaksihang pagbabago si Lola Isabel. Kasama sa kanyang 100 taon ang mga alaala ng kanyang pamilya, mga kaibigan at mga taong naging bahagi ng kanyang buhay.

Kaya naging mahalaga ang pagbisita ni Gobernador Dolor hindi lamang dahil sa cash gift at bulaklak, kundi dahil personal niyang naiparamdam kay Lola Isabel ang mataas na pagpapahalaga ng Pamahalaang Panlalawigan.

#thecapitolnews

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0z6z9TK69Kfkrreu1Bh97hVSjDyG7bWs4k1X75wDsrQGNxP82wS8VcNVHT7b3XDTQl?rdid=8dqBbSGsA07Oy434#

Scroll to Top