September 29, 2026 | News by PISDย

Isinagawa noong Setyembre 22โ24, 2026 ang ๐จ๐ฉ๐จ๐ฒ๐จ๐ฉ๐ผ๐ฏ๐จ๐๐จ๐ต: ๐ป๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐๐ (๐ป๐ถ๐ป) ๐๐ ๐จ๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐ญ๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐ ๐๐๐/๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฎ๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐ฎ๐จ๐ท) para sa mga Agricultural Extension Workers (AEWs) at abaca farmer leaders ng Oriental Mindoro sa DA-ATI-RTC, Brgy. Barcenaga, Orienal Mindoro. Isinagawa ang training sa pamamagitan ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA)โOriental Mindoro, sa pakikipagtulungan ng Provincial Government of Oriental MindoroโProvincial Agriculturistโs Office (PGOM-PAgO) at Agricultural Training InstituteโRegional Training Center MIMAROPA (DA-ATI-RTC MIMAROPA). Layunin nitong palakasin ang kakayahan ng mga kalahok bilang mga tagapagsanay na magpapalaganap ng makabagong kaalaman at teknolohiya sa abaca production sa kani-kanilang mga bayan.
Sa loob ng tatlong araw, sumailalim ang mga kalahok sa mga talakayan at hands-on activities hinggil sa wastong pamamaraan ng abaca production, nursery management, post-harvest practices, fiber stripping, fiber classification at grading, pagkilala at pamamahala sa mga pangunahing peste at sakit, at Good Agricultural Practices (GAP). Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsasanay lalo na para sa mga abaca farmers sa mga bulubunduking lugar ng lalawigan, kabilang ang mga komunidad ng Mangyan, upang magkaroon sila ng mas madaling access sa wastong teknolohiya at makapagtaas ng produksyon at kalidad ng abaca fiber. Sa pamamagitan ng mga trained AEW at farmer leaders, inaasahang mas mapalalawak ang technology transfer at farmer-to-farmer learning sa iba’t ibang komunidad.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni PhilFIDA MIMAROPA Regional Director Adil B. Khan ang mga kalahok na pagyamanin ang kanilang kaalaman at kasanayang makukuha sa pagsasanay upang maibahagi rin ito sa iba pang mga magsasaka sa kanilang mga bayan. Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng mga kalahok bilang mga magiging tagapagturo at katuwang sa pagpapalaganap ng mga makabagong pamamaraan sa abaca farming. Nagpaabot naman ng suporta si Provincial Agriculturist Christine M. Pine, na nagpahayag na nakahanda ang Provincial Government of Oriental Mindoro na magbigay ng suporta sa abot ng makakaya nito para sa pagpapaunlad ng abaca fiber industry ng lalawigan, katuwang ang PhilFIDA at iba pang stakeholders.
Bilang bahagi ng aktibidad, nagkaloob din ang PhilFIDAโOriental Mindoro ng tuxying tools sa mga abaca farmers mula sa Baco at Socorro bilang karagdagang suporta sa kanilang fiber production activities. Ang training ay nagsisilbing hakbang sa pagbuo ng isang core group of trainers na magpapalaganap ng kaalaman at teknolohiya sa abaca production sa buong lalawigan. Sa patuloy na pagtutulungan ng PhilFIDA, PGOM-PAgO, DA-ATI-RTC MIMAROPA, mga municipal LGU, farmer organizations at iba pang katuwang, isinusulong ang isang mas produktibo, de-kalidad at sustainable na abaca industry na makapagbibigay ng mas matatag na kabuhayan sa mga magsasaka ng Oriental Mindoro.
