Special Treats para sa mga empleyado ng Kapitolyo, handog ng Pamahalaang Panlalawigan

September 24, 2026 | News by PISD

Special treats para sa mga kawani ng Kapitolyo ang kaloob ng Provincial Government of Oriental Mindoro (PGOM) ngayong araw.

Sa pamamagitan ng Provincial Human Resource and Management Office (PHRMO), na pinangangasiwaan ni PHRM Officer Anna Marie DC. Reyes, handog sa mga empleyado ang libreng masahe, manicure at pedicure, at gupit.

Bahagi ito ng patuloy na pagdiriwang ng Philippine Civil Service Month ngayong buwan ng Setyembre, kasabay ng 2026 PGOM Employees Day.

Layunin ng aktibidad na bigyang-pagkakataon ang mga kawani na makapagpahinga at mapangalagaan ang kanilang sarili, bilang pagkilala at pagpapahalaga sa kanilang mahalagang tungkulin sa paghahatid ng serbisyo-publiko.

#thecapitolnews

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02qxm4jkiVcmgJBg7j6Vn9hP4pHo6Dg15pQ9uiBvti89CpEGgUV5qK2yJ9jHApp1iHl?rdid=u14cLhUUx5QXXcyP#

Scroll to Top