PCOL Efraim A. Camara, nanumpa bilang bagong Provincial Director ng OrMin-PPO

September 27, 2026 | News by PISD 

Ngayong araw ay pormal nang nanumpa si PCOL Efraim A. Camara bilang bagong Police Provincial Director ng Oriental Mindoro Police Provincial Office (PPO) kasama ang paalis na Police Provincial Director Edison V. Revita sa harap ni PRO MIMAROPA Director PBGEN Christopher R. Dela Cruz.

Maraming salamat, Oriental Mindoro Police Provincial Director PCOL Edison V. Revita. Sa loob ng 2 taon, ipinakita mo ang mahusay, epektibo at matikas na pamumuno. Bilang patunay, ang mga pagkilalang natanggap ng Oriental Mindoro-PPO ay sumasalamin lamang sa iyo galing bilang pinuno. Maraming maraming salamat sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

Pagbati sa bagong Oriental Mindoro Police Provincial Director PCOL Efraim A. Camara. Mabigat man ang nakaatang na responsibilidad sa’yo bilang pinuno ng kapayapaan, makakaasa kang may kaibigan at Pamahalaang Panlalawigan kakampi.

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0SvFMSjAmfPNrwcAKv3raSaZJrBubh4z3ff8WMXwpfiyyEreXCKqjoDkWfiK8hCmUl?rdid=nleMUweY9znUSaZX#

Scroll to Top