Konsultasyon sa hog traders, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan

September 25, 2026 | News by PISD

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang consultative meeting kasama ang mga hog trader sa lalawigan bilang bahagi ng patuloy na konsultasyon sa mga stakeholder ng industriya ng pag-aalaga ng baboy.

Pinangunahan ni Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano ang konsultasyon, kasama si Acting Provincial Veterinarian Dr. Alfredo Manglicmot, na ginanap ngayong araw sa Kapitolyo.

Sa pagsisimula ng pagpupulong, inilahad ni Dr. Manglicmot ang kasalukuyang kalagayan ng hog industry sa lalawigan, kabilang ang mga isyu at hamong kinakaharap ng mga hog raiser. Ibinahagi rin niya ang mga resulta ng naunang konsultasyon sa mga meat vendor.

Naglahad naman ang mga kinatawan ng hog trader mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng kanilang mga karanasan at mga gastusin kaugnay ng pagbebenta at pagbibyahe ng buhay na baboy.

Ayon kay Atty. Turano, mahalaga ang mga suhestiyon at impormasyong nakalap mula sa mga stakeholder upang magkaroon ng mas malinaw na batayan ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagbuo at pagpapatupad ng iba pang mga polisiya para sa hog industry.

#thecapitolnews

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0ktLAAarGAih7xiYgrMNAZEgXve3Xd71pzeC1XdLatNoEsrRAu7GdGHDFA6AxC5xcl?rdid=xxx8jaHYWUziQlBD#

Scroll to Top