September 25, 2026 | News by PISD

Alinsunod sa Memorandum No. 23, Series of 2026, na ibinaba ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, pansamatalang suspendido ang regular na transakyon ng mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan bukas, ika-25 ng Setyembre, maliban sa mga serbisyong nangangailangan ng agarang atensyon.
Ito’y upang bigyang-daan ang pakikiisa ng mga kawani sa pagdiriwang ng Employees’ Day, na bahagi ng patuloy na selebrasyon ng Philippine Civil Service Month.

