π™ˆπ˜Όπ™ƒπ™„π™‚π™„π™ πŸ—πŸŽπŸŽ π™†π˜Όπ™‡π˜Όπ™ƒπ™Šπ™†, π™‰π˜Όπ™†π™„π™„π™Žπ˜Ό π™Žπ˜Ό π™π˜Όπ™†π˜½π™Šπ™‰π™‚ π™„π™‰π™ƒπ™„π™‰π™”π™€π™π™Š πŸπŸŽπŸπŸ”

September 26, 2026 | News by PISD

Nakiisa ang mahigit 900 kalahok sa Takbong Inhinyero 2026 na isinagawa sa Plaza del Gobernador ngayong araw.

Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-32 anibersaryo ng Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) – Oriental Mindoro Chapter.

Pinangunahan ni PICE–Oriental Mindoro President at Provincial Engineer Edylou Tejido, kasama ang mga kawani mula sa Provincial Engineering Office (PEO), at iba pang mga opisyal at miyembro ng organisasyon, ang naturang aktibidad na may temang β€œThree Decades of Excellence, A Future Built Together,” bilang pagdiriwang ng PICE @32.

Isinagawa ang nasabing aktibidad bilang run for a cause sa mga kategoryang 3K, 5K, at 7K, na nilahukan ng mga miyembro ng PICE at iba pang mga kalahok.

Bukod sa mga special awards, nakatanggap ng gantimpala ang mga nanguna sa bawat kategorya. Kinilala rin ang mga Grand Winners – Fastest Runners Mix sa 3K, 5K, at 7K categories.

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02CXt7M86TVHxgt67UUDxrxbZzzvvhG8qeaQ5pitiRM6bymBe41kt7yL2kDadveXPZl?rdid=rIYjpNXmGnqpEnXZ#

Scroll to Top