September 22, 2026 | News by PISD

Sa pakikipagtulungan ng Oriental Mindoro Medical Society, nagkaroon ng Lay Forum sa OUT Patient Department tungkol sa kahalagahan ng maagang pag papakonsulta kung may roong problema sa ating colon.
KAHALAGAHAN NG TAMANG CHECK-UP AT SCREENING PARA SA COLON CANCER
Ang colon cancer ay maaaring umunlad nang walang malinaw na sintomas sa mga unang yugto. Kaya mahalaga ang regular na check-up at screening upang matukoy ito nang maaga.
Bakit mahalaga ang screening?
Maaaring matukoy ang colon cancer sa maagang yugto, kung kailan mas maraming opsyon sa paggamot.
Nakakatulong itong makita ang polyps o abnormal na pagbabago sa colon na maaaring maging cancer sa paglipas ng panahon.
Maaaring makatulong ang screening na mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng colon cancer sa pamamagitan ng maagang pagtuklas at pagtanggal ng ilang precancerous polyps.
Huwag hintaying magkaroon ng sintomas bago magpatingin.
Magpakonsulta agad kung may:
Dugo sa dumi
Pagbabago sa bowel habits
Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang
Paulit-ulit na pananakit o discomfort sa tiyan
Panghihina o madaling pagkapagod
Ang maagang pagtuklas ay maaaring makatulong upang maagapan ang sakit.
Alamin mula sa ating mga espesyalista ang kahalagahan ng 𝙚𝙖𝙧𝙡𝙮 𝙨𝙘𝙧𝙚𝙚𝙣𝙞𝙣𝙜, 𝙥𝙖𝙜-𝙞𝙬𝙖𝙨, 𝙖𝙩 𝙩𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙩𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙡 𝙨𝙖 𝙘𝙤𝙡𝙤𝙣 𝙘𝙖𝙣𝙘𝙚𝙧.
Magpa-check up. Magpa-screening. Alagaan ang kalusugan ng iyong bituka.

