September 23, 2026 | News by PISD

Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagsasagawa ng mga mahahalagang hakbang para sa procurement ng mga bagong proyektong pang-imprastraktura sa lalawigan.
Kaugnay nito, magkasunod na pinangunahan ng Bids and Awards Committee (BAC), na pinangungunahan ni BAC Chairperson at Provincial Adminstrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II, ang Pre-procurement Conference para sa panukalang bagong pasilidad sa bayan ng Victoria at Bid Opening para sa dalawang proyektong pangkalsada sa lalawigan.
Tinalakay sa Pre-Procurement Conference ang mga mahahalagang detalye ng proyektong โConstruction of Multi-purpose Building at Victoria, Oriental Mindoroโ na may halagang Php39,981,264.85, bago opisyal na simulan ang procurement nito sa darating na Oktubre.
Mayroon itong panukalang sukat na 1,223.08 sqm. at nakatakdang ipatayo sa loob ng 497 na araw.
Gayundin, opisyal na binuksan ng nasabing komite ang bid para sa โConcreting of Road at Bagumbayan, Roxasโ na nagkakahalaga ng Php999,815.81, at ang โConcreting of Road Gap at Evangelista, Naujanโ na nagkakahalaga naman ng Php996,333.34.
Pinangasiwaan ang gawain ni BAC Vice-Chairperson Romeo L. Paner, katuwang ang BAC Secretariat na pinanmumunuan ni GO-Procurement Division Administrative Officer V Engr. Jollie Ver Lasic.
Dinaluhan ito nina Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Officer Vinscent B. Gahol, Governorโs Office โ Special Concerns Division (GO-SCD) Chief Junielo P. Alcuran, Governorโs Office – Management Information Services Division (GO-MISD) Information Officer II Reywel M. Dela Roca, End-User Representative Administrative Officer V Maria Angeline A. Mendoza mula sa Provincial Engineering Office (PEO) at mga kinatawan mula sa Commission on Audit (COA).

