𝗠𝗮𝘀𝗶𝗴𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗚𝗢𝗠 𝗘𝗺𝗽𝗹𝗼𝘆𝗲𝗲𝘀’ 𝗗𝗮𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟲

September 25, 2026 | News by PISD

Handa na ba ang bawat tanggapan ng Kapitolyo?

Ngayong araw na gaganapin ang pagdiriwang para sa mga kawani ng Provincial Government of Oriental Mindoro (PGOM).

Kasabay ng patuloy na pagdiriwang ng Philippine Civil Service Month, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1050, series of 1997, layunin ng gawain na bigyang-pagkilala at pasasalamat ang dedikasyon, sipag at mahalagang ambag ng bawat kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa paghahatid ng serbisyo para sa mamamayan.

Ang araw na ito ay magbibigay sa kanila ng panahong makapagpahinga, maipakita ang kanilang mga talento at makibahagi sa mga aktibidad na magtataguyod ng kanilang well-being, at higit na magpapatibay ng kanilang samahan.

#PGOMEmployeesDay2026

#thecapitolnews

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0h2n6zxYhdcAtdumiahnpRFEKqjCPMMein44G2MnezM1LXG4ct8sPY35WAq9cqu9Xl?rdid=lXZ3dX1j2Wc2ZJMF#

Scroll to Top