September 25, 2026 | News by PISD

Masigla ang naging pagdiriwang ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa Employees’ Day 2026 ngayong araw.
Kaugnay nito, aktibo ang mga empleyado mula sa iba’t ibang tanggapan ng Kapitolyo sa pakikilahok sa mga palaro na pinangunahan ng Provincial Human Resource and Management Office (PHRMO), sa pamumuno ni PHRM Officer Anna Marie DC. Reyes.
Nagpatuloy rin ang ikalawang araw ng Special Treats na libreng masahe, pedicure at manicure, at gupit para sa kanila.
Simbolo ito ng patuloy na pagpapahalaga ng pamunuan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor sa sipag at dedikasyon ng mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagganap ng kanilang mga tungkulin sa trabaho.
Gayundin, bahagi ito ng makabuluhang pagdiriwang ng Philippine Civil Service Month, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1050, series of 1997.
