Municipal LGUs na nagsusulong ng matatag na pamamahala, pinarangalan

September 22, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Ginawaran ng Governorโ€™s Citation: Haligi ng Turismo Award ngayong ika-21 ng Setyembre ang Local Government Units (LGUs) sa lalawigan ng Oriental Mindoro na nagsusulong ng organisado at matatag na pamamahala sa turismo sa kani-kanilang nasasakupan.

Ang espesyal na pagkilalang ito ay nakuha ng mga bayan at lungsod sa lalawigan na matagumpay na nakapag-institutionalize ng kanilang Tourism Office at nakapagtalaga ng mga permanenteng Tourism Officer.

Kabilang dito ang bayan ng Baco, Bansud, Bulalacao, Lungsod ng Calapan, Pinamalayan, Pola, Puerto Galera, San Teodoro, Socorro at Victoria.

Tinanggap ang tropeo at pinansyal na insentibo ng mga Local Tourism Officer ng mga nabanggit na bayan at lungsod kasama ang kanilang mga punumbayan.

Sa pamamagitan nito, mas nakikita ang komitment ng mga LGU sa pagsusulong ng matatag na istruktura upang mapagtibay at maipagpatuloy ang kanilang mga programang pangturismo.

Simbolismo din ito ng mataas na pagpapahalaga ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga matatag na haligi ng turismo na patuloy na nag-aangat ng kabuhayan at industriya ng turismo ng Oriental Mindoro.

SOURCE: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0gvmUbTe6BJAEuPLJYyiGtyqqTxpRfVa15ZemPrVheRvVQ4bvBJ3u66HdJo8kbqw3l?rdid=EzHPbOHisk75ixWM#

Scroll to Top