Pagpapaigting ng biosecurity laban sa ASF, isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan

September 22, 2026 | News by PISD

Upang matiyak ang mas maayos at magkakaugnay na pagpapatupad ng mga kinakailangang quarantine at biosecurity measures alinsunod sa mga umiiral na alituntunin upang maiwasan ang muling pagkalat ng ASF sa Oriental Mindoro, pinangunahan ni Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Puerto Galera ngayong araw.

Isinagawa ang coordination meeting sa tanggapan ni Puerto Galera Mayor Robinhood D. Ylagan, kung saan tinalakay ang kasalukuyang sitwasyon ng quarantine checkpoint at ang mga hakbang upang higit pang mapahusay ang pagpapatupad ng quarantine at biosecurity protocols.

Tinalakay rin ang maaaring augmentation at suporta ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (ProVet), upang makatulong sa operasyon ng quarantine checkpoint ng bayan.

Kasama ni Atty. Turano sina Acting Provincial Veterinarian Alfredo Manglicmot at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Vinscent B. Gahol.

Dumalo rin sa pagpupulong sina Vice Mayor Rocky Ylagan, Municipal Administrator Carmela L. Datinguinoo, at Municipal Agriculture Officer Heidee I. Aparato.

#thecapitolnews

SOURCE:https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0Y5G8eWsnz23XshjUKcz3NTxbFeg39UpuHgf3rrSEB4xad4LvNXHFtyGnK99ka2TDl?rdid=lXdgjusleIZGXG4V#

Scroll to Top