September 22, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Oriental Mindoro Tourism Officers and Coordinators Association, Inc. (OMTOCA) – isang organisadong samahan ng mga Tourism Officer sa bawat bayan at lungsod sa lalawigan, rehistrado na sa Securities and Exchange Commission (SEC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan.
Personal na ibinigay ni Governador Humerlito “Bonz” A. Dolor at Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor ang Certificate of Incorporation at iba pang registration certificates sa mga opisyal ng OMTOCA.
Ang gawaing ito ay bahagi ng isinasagawang Gabi ng Pagkilala 2026 ngayong ika-21 ng Setyembre sa Balai Mindoro, Lungsod ng Calapan.

