September 16, 2026 | News by PISD

๐ฃ๐๐ข๐ , ๐ฃ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด m๐ด๐ฎ ๐๐ผ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ผ
17 Setyembre 2026, Lungsod ng Calapan – Sa temang “Building Stronger Cooperatives for a More Progressive Oriental Mindoro”, patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ang sektor ng kooperatiba at mga samahan sa pamamagitan ng mga programang naglalayong paunlarin ang kanilang kakayahan sa pamamahala, pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyekto.
Kaugnay nito, Setyembre 17-18, isinasagawa ang capacity-building activity na โUnderstanding and Analyzing Audited Financial Statements and Project Proposal Development for Cooperatives,โ na layuning higit na mapalawak ang kaalaman ng mga lider at kinatawan ng naturang grupo partikular sa pagsusuri ng audited financial statements, pamamahala ng pondo at pagbuo ng mga project proposal bilang gabay sa mas maayos na pagpaplano at paggawa ng mga konkretong desisyon sa kooperatiba.
Sa ilalim ng administrasyon ni Governor Humerlito โBonzโ Dolor, matatandaang aktibong ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative Development Office na pinamumunuan ni PGDH-PCD Officer Orlando B. Tizon, ang mga programa na may malaking salik sa pagpapaunlad ng sektor ng kooperatiba sa lalawigan.
Sa unang araw ng pagsasanay, naging resource speaker si Cooperative Development Authority (CDA)-accredited Cooperative Trainor at External Auditor Flor Satur Marasigan, CPA, na tumalakay sa pag-unawa at pagsusuri ng mga financial statement.
Dinaluhan ito ng 150 mga indibidwal mula sa 74 na aktibong kooperatiba at samahan sa iba’t ibang lugar sa kabuuan ng Oriental Mindoro.
Samantala, ang gawain ay magkatuwang na itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro at Cooperative Development Authority (CDA) – MIMAROPA Regional Extension Office.

