Pamamahagi ng 10 kilong bigas, nagpatuloy sa Bongabong

September 18, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Muling nagpapatuloy ang pamamahagi ng tig-10 kilong bigas sa mga higit na nangangailangang pamilyang MindoreƱo sa ilalim ng Rice Distribution Project ng Pamahalaang Nasyunal ngayong ika-17 ng Setyembre.

Nakatakdang makatanggap nito ang mahigit 1,700 pamilya sa bayan ng Bongabong.

Ang mga pamilyang ito ang mga hindi nakakuha ng bigas noong unang namahagi ng bigas sa naturang bayan, kabilang ang mga bagong benepisyaryo ng programa. Ito ay matapos silang makapagsumite ng mga dokumentong nagpapatunay na hindi na sila miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at hindi pa nakakatanggap ng iba pang tulong mula sa pamahalaan.

Magkatuwang na pinangungunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang gawaing ito.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02GtbAok9wLiHgUeTzbQHsZQMAFTwM99AZpbC9iPHqExCgwJBnc5CPkcBrACJweCPhl?rdid=DUrZzEKJxRmGV2WK#

Scroll to Top