Mga serbisyo at bagong produkto ng PAgO-PAC, muling itinampok sa Maharlikan MindoreΓ±o Fair 2026

September 19, 2026 | News by PISD

πŒπ†π€ π’π„π‘ππˆπ’π˜πŽ 𝐀𝐓 ππ€π†πŽππ† ππ‘πŽπƒπ”πŠπ“πŽ 𝐍𝐆 ππ€π πŽ-𝐏𝐀𝐂, πŒπ”π‹πˆππ† πˆπ“πˆππ€πŒππŽπŠ 𝐒𝐀 πŒπ€π‡π€π‘π‹πˆπŠπ‡π€πˆπ πŒπˆππƒπŽπ‘π„Γ‘πŽ π…π€πˆπ‘ πŸπŸŽπŸπŸ”

Muling ipinakita ng Provincial Agriculturist’s Office (PAgO) sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Center (PAC) ang potensyal ng mga produktong agrikultural ng Oriental Mindoro sa MAHARLIKHAIN MINDOREΓ‘O FAIR 2026, na ginaganap ngayong Setyembre 16–20, 2026.

Sa ikalawang taon ng MAHARLIKHAIN, isang inisyatiba ng Department of Trade and Industry (DTI)-Oriental Mindoro, tampok sa booth ng PAgO-PAC ang mga serbisyo, teknolohiya, at mga bagong produktong mula sa high-value crops ng lalawigan.

Higit pa sa simpleng pagpapakita ng produkto, naging daan ang aktibidad upang maipakita kung paano maaaring mapataas ang halaga ng mga ani sa pamamagitan ng food processing, product development, at innovation, habang inilalapit ang mga produktong MindoreΓ±o sa mga mamimili at potensyal na merkado.

Pormal na binuksan ang programa sa pangunguna nina Ms. Karen P. Isla mula sa DTI Regional Office at Ms. Rosa Vera Fortu ng DTI Oriental Mindoro, kasama ang mensahe ni Governor Humerlito β€œBonz” Dolor na kinatawan ni Provincial Administrator Atty. Earl Turrano.

Kasabay nito, tampok din sa fair ang iba’t ibang MSMEs mula sa mga munisipalidad ng Oriental Mindoro na buong pagmamalaking ipinakita ang kani-kanilang produktoβ€”mga produktong tunay na β€œLikhang Sariling Atin, Mandin!”

Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, mas nagiging malawak ang pagkakataon para sa ating mga produktong lokal na makilala, matikman, tangkilikin, at makapasok sa mas malawak na merkado. Higit sa lahat, naipapakita nito ang sipag, galing, at pagkamalikhain ng mga magsasaka at agripreneurs ng lalawigan.

Patuloy ang suporta ng Provincial Government of Oriental Mindoro, sa pangunguna ni Governor Humerlito β€œBonz” A. Dolor, katuwang ang Provincial Agriculturist’s Office sa pamumuno ni Ms. Christine M. Pine, sa pagsusulong ng value-adding, innovation, at mas maraming oportunidad para sa mga magsasaka at agripreneurs ng Oriental Mindoro.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02GagLbGjoFFAnKjfNghV8ib4CP9fRhyXs8hHD2P6AhReBQJsTmXnouga6igpk3pnyl?rdid=L4TuBF6xzoEQVNhm#

Scroll to Top