Dalawang suspek sa pamamaril sa Mansalay, agad na naaresto ng Mansalay Police

September 20, 2026 | News by PISD

𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗦𝗔𝗟𝗔𝗬, 𝗔𝗚𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗦𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘

Pinamalayan, Oriental Mindoro — Muling naipamalas ng kapulisan ng Oriental Mindoro Police Provincial Office, sa ilalim ng pamumuno ni PCOL EDISON V REVITA, Provincial Director, ang mabilis at maagap na pagtugon sa krimen matapos maaresto ang dalawang suspek sa shooting incident sa Sitio Haguines, Brgy. Wasig, Mansalay, Oriental Mindoro, noong September 19, 2026.

Pinuri at pinasalamatan ni PCOL Revita ang mabilis na pagkilos ng mga tauhan ng Mansalay Municipal Police Station, na agad nagsagawa ng response at hot pursuit operation matapos ang insidente.

Bandang 4:45 ng hapon, isang 48-anyos na magsasaka ang nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang kamay at tiyan. Agad na rumesponde ang kapulisan at isinugod ang biktima sa Oriental Mindoro Southern District Hospital para sa agarang atensiyong medikal.

Samantala, nagsagawa agad ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Mansalay MPS, sa pangunguna ni PMAJ REMON JAKE AGUHO, Chief of Police, upang matunton ang mga suspek na tumakas matapos ang insidente.

Bunga ng mabilis na police response at tuloy-tuloy na operasyon, naaresto bandang 7:30 ng gabi, sa parehong araw ang dalawang suspek, kapwa residente ng Brgy. Villa Celestial, Mansalay.

Ayon kay PCOL Revita, mahalaga ang bilis ng response sa bawat insidente upang agad na maprotektahan ang mga biktima at mapanagot ang mga responsable.

“𝘔𝘶𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘪𝘱𝘢𝘮𝘢𝘭𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘶𝘭𝘪𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘭𝘪𝘴 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘢𝘨𝘢𝘱 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘶𝘨𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘨𝘢𝘯𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘴𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵𝘦. 𝘚𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘨𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘴𝘱𝘰𝘯𝘴𝘦 𝘢𝘵 𝘩𝘰𝘵 𝘱𝘶𝘳𝘴𝘶𝘪𝘵 𝘰𝘱𝘦𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯, 𝘯𝘢𝘵𝘶𝘯𝘵𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘢𝘳𝘦𝘴𝘵𝘰 𝘢𝘨𝘢𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘴𝘱𝘦𝘬. 𝘗𝘢𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘥𝘪𝘬𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘦𝘨𝘶𝘳𝘪𝘥𝘢𝘥 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘯𝘢𝘨𝘰𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘨 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘵𝘢𝘴,” ani PCOL Revita.

Nasa kustodiya na ng Mansalay MPS ang dalawang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong Frustrated Murder sa kaukulang tanggapan o hukuman.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0v3Jj1byVWFQpqgqjqB9jhyUJDK2w7Zt3dkCZhFvnUz6DkmrQ6AeD6nGVT5xhVXYNl?rdid=mbB5E5FyNTxwWMoV#

Scroll to Top