Rice-based enterprises sa lalawigan, palalakasin sa RiceBIS Community 2.0 program

September 16, 2026 | News by PISD

๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ-๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—•๐—œ๐—ฆ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐Ÿฎ.๐Ÿฌ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ

Palalakasin ng Department of Agriculture – Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) Los Baรฑos, Pamahalaang Bayan ng Naujan, katuwang ang Pamahalang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pangunguna ng Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO), ang rice-based enterprises sa lalawigan sa pamamagitan ng programang Rice Business Innovations System (RiceBIS) Community 2.0.

Bahagi nito ang isinagawang paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng mga nabanggit na magkakatuwang na ahensya ng pamahalaan upang tulungang mapataas ang kita ng benepisyaryo ng RiceBIS.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong taong 2022, nasa mahigit โ‚ฑ 57,000.00 lamang ang karaniwang taunang kita ng mga magsasaka. Dahil dito, nasa 30 porsyento ng mga Pilipinong magsasaka ang itinuturing na mahirap ang buhay.

Dito nag-ugat ang programang RiceBIS na layuning matulungan ang mga magsasaka at kooperatiba na maging agripreneur sa pamamagitan ng paglinang sa mga kasanayan sa pagnenegosyo, pagpapalawak ng market linkages at pagpapaganda ng kalidad ng produktong mula sa palay at bigas.

Sa lalawigan ng Oriental Mindoro, ang Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC) ang benepisyaryo ng programang ito. Dahil dito, magiging aktibong kabahagi ang SIDC sa pagsusulong ng enterprise development, inobasyon sa value-adding, produksyon, marketing, at pagpapatupad ng mga gawaing nakapaloob sa programa.

Bilang pangunahing katuwang, pangungunahan ng DA-PhilRice Los Baรฑos ang pagpapadaloy ng programa, koordinasyon, capacity building, monitoring at evaluation nito.

Magkakaloob naman ang Pamahalaang Bayan ng Naujan ng teknikal at logistical support.

Samantala, ipapagamit ng Pamahalaang Panlalawigan ang Rice Innovation Center na matatagpuan sa Provincial Demonstration Farm sa Barangay. Merit, Victoria. Bukod dito, handa ring magbigay ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan para sa capacity-building activities, partikular sa good manufacturing practices, pagsiguro sa kaligtasan ng pagkain at pagsusuri ng lupa para sa mga sakahang naghahangad na makakuha ng sertipikasyong Philippine Good Agricultural Practice (PhilGAP).

Ayon kay Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II, makikipagtulungan din ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagbuo ng mga kinakailangang suporta para sa patakarang panlalawigan hinggil sa higit na pagpapakilala ng ipinagmamalaking bigas ng Mindoro. Ito aniya ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga resolusyon o ordinansa na magsusulong sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng mga negosyong pang-agrikultura sa lalawigan.

Umaasa naman si Provincial Agriculturist Christine M. Pine na sa pamamagitan ng programang ito, magiging competitive ang industriya ng bigas sa lalawigan. Aniya pa, ang programang ito ay simbolo ng pagkakaisa at pag-asa para sa lalawigan at sa mga magsasaka ng Oriental Mindoro.

Samantala, nakiisa, dumalo at nagpahayag ng suporta ang mga kinatawan ng iba pang mga ahensya ng pamahalaan kabilang ang Department of Science and Technology (DOST) – Oriental Mindoro, Agricultural Training Institute – Regional Training Center (ATI-RTC) MIMAROPA, Department of Agriculture (DA) – MIMAROPA, Pamahalaang Bayan ng Naujan, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech), National Food Authority (NFA) – Oriental Mindoro at Bureau of Plant Industry – National Seed Quality Control Services (BPI-NSQCS) – MIMAROPA.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02r6wi3xSsyRdahJ9D48CHxLD13NVvPGZo5rK9WcZLPPy7dTtu68eFCAEUr3GqoAByl?rdid=SAz1e3XjIJDMQULY#

Scroll to Top