Pagsasaayos ng Building 4 ng OMPH patapos na, Building 1 isinaaayos na rin

September 15, 2026 | News by PISD

ππ€π†π’π€π’π€π€π˜πŽπ’ 𝐍𝐆 ππ”πˆπ‹πƒπˆππ† πŸ’ 𝐍𝐆 πŽπ‘πˆπ„ππ“π€π‹ πŒπˆππƒπŽπ‘πŽ ππ‘πŽπ•πˆππ‚πˆπ€π‹ π‡πŽπ’ππˆπ“π€π‹ (πŽπŒππ‡) ππ€π“π€ππŽπ’ 𝐍𝐀. ππ”πˆπ‹πƒπˆππ† 𝟏 πˆπ’πˆππ€π’π€π€π˜πŽπ’ 𝐍𝐀 π‘πˆπ.

Patuloy nating pinagsusumikapang mas maayos at mapaganda ang pasilidad at serbisyo ng mga pampublikong ospital sa lalawigan.

March 31 2026 ay binuksan na natin ang bagong ayos na Building 3 sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) na ginaganamit na ngayon ng ating mga kababayan. Isang malinis, maaliwalas at preskong silid-pagalingan para sa mga ordinaryong mamamayan.

Matapos ang halos 5 buwan, malapit nang matapos ang pagsasaayos ng Building 4 (Pedia Ward, Admin Building at ang Dietary Section) at magagamit na ng mga mamamayan. Samantalang isinasaayos na rin ang Building 1 (Pharmacy, CSR, Out-patient Department at ang Ob Gyne Ward).

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02F5JnsFqHqUx7utTjR54zoVwbvZ3BbjYjikpcp4EgNxPkE1AtkCEnW4oNDqbU7fVcl?rdid=Td0g0x6fg2b2cUNR#

Scroll to Top