September 14, 2026 | News by PISD

𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝘆𝗼, 𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲
14 Setyembre 2026, Lungsod ng Calapan – Nabigyan ng libreng legal na tulong at payo ng mga kawani ng Provincial Legal Office (PLO), sa pangunguna ni Provincial Legal Officer Atty. Francheska Laurent L. Feraren katuwang ang Integrated Bar of the Philippines – Oriental Mindoro Chapter, ang 34 na indibidwal ngayong ika-14 ng Setyembre.
Kabilang sa mga serbisyong naipagkaloob ng PLO ang mga sumusunod:
Libreng legal na konsultasyon;
Libreng notarization ng mga kwalipikadong affidavit; at
Libreng pag-draft ng mga simpleng affidavit tulad ng:
– Affidavit of Loss;
– Affidavit of Two Disinterested Persons;
– Affidavit of No Income;
– Affidavit of Cohabitation;
– Affidavit of Discrepancy; at
– Affidavit of Late Registration
Bukod dito, nagkaloob din ang PLO ng libreng medical check-up, sa pamamagitan ng Oriental Mindoro Medical Society (OMMS).
Bahagi ito ng layunin ng pamahalaan na mailapit ang mga serbisyo ng pamahalaan na kinakailangan ng mga mamamayan, sa pamamagitan ng “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat.”

