September 11, 2026 | News by PISD

Setyembre 11, 2026
77 IPs sa Socorro, benepisyaryo ng PDA Outreach Program
Naging kaisa ang Provincial Health office sa pamumuno ni PHO II Doc Cielo Angela Ante sa matagumpay na isinagawang Dental Mission outreach program sa mga katutubo ng Grandvida Mangyan Elementary School, Bugtong, Socorro nitong Setyembre 10.
Nakinabang ang may 77 katutubong mag-aaral ng naturang paaralan sa iba’t ibang dental services na ipinagkaloob sa kanila kabilang ang mga sumusunod:-
– oral health education
– tootbrush supervison
– dental screening
– tooth extraction
– oral varnish application/fluoride application
– other preventive dental services
May temang “Isang lababo, libong ngiti”, layunin ng gawaing matulungan ang mga katutubong mag-aaral na maitaas ang dental health ng mga ito at maagapan ang mga nasisirang ngipin na mainam na pundasyon ng maayos nilang kalusugan na magdadala ng mas produktibong ngiti at kinabukasang puno ng pag-asa.
Itinaguyod ang naturang gawain ng Philippine Dental Association Inc, Oriental Mindoro Chapter sa pangunguna ni Dr. Rosemarie G. Aclan, pangulo ng naturang asosasyon sa suporta at pakikipagtuwang sa PHO Oriental Mindoro.

