September 11, 2026 | News by PISD

ππππππππππ ππππ ππ πππ πππππππ ππ πππππ ππππππππ πππππππ!
Matagumpay na isinagawa ngayong Setyembre 10, 2026 ang Provincial Stakeholdersβ Coordination Meeting for the Strengthening of the Provincewide Blood Donation Program sa MaHalTa Resort & Convention Center, Calapan City, Oriental Mindoro.
Pinangunahan ng Provincial Health Office (PHO), sa pakikipagtulungan ng Provincial DOH Office, ang mahalagang pagtitipon na naglalayong pag-isahin ang mga pangunahing katuwang at stakeholders tungo sa pagkakaroon ng sapat, ligtas, at tuloy-tuloy na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan sa buong lalawigan.
Sa pamamagitan ng talakayan at koordinasyon, napagtuunan ng pansin ang mga hamon sa blood donation, pagpapalakas ng donor recruitment at retention, pagpapalawak ng information and advocacy campaigns, at mas maayos na pagkakasundo ng mga iskedyul ng bloodletting activities upang maiwasan ang double scheduling at mas mapalawak ang naaabot na mga potensyal na donors.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng mas matibay na ugnayan ng Provincial Government, LGUs, national government agencies, hospitals, schools, private organizations, civic groups, at iba pang community partners sa pagsusulong ng regular at voluntary blood donation.
Isang lalawigan. Isang layunin. Isang dugo para sa buhay.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng dumalo at nagpaabot ng kanilang suporta, commitment, at mga konkretong mungkahi. Sama-sama nating palakasin ang kultura ng boluntaryong pag-aalay ng dugo at tiyaking may dugong maaasahan sa oras ng pangangailangan.
