OFWs, sinanay sa pagbabadyet at tamang pamamahala ng pera

September 11, 2026 | News by PISD

SB Hall, Brgy. Poblacion, Bulalacao

Nagaganap ngayon ang Pinansyal na Talino at Kaalaman (PiTaka) Training para sa ating mga OFWs at kanilang pamilya mula sa Bayan ng Bulalacao.

Layunin nitong mas palawakin ang kaalaman ng ating mga kapwa OFWs at kanilang pamilya sa tamang paraan ng pagbabadyet ng kanilang mga kaperahan.

Sa tulong ng LGU-PESO Bulalacao at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay naisakatuparan ang training na ito.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02gofKiY64omYQKEWQUAWzRzGqmL237KtDQ2bPTsreXSLVQiFYPV7RF9sfLu9jWHbPl?rdid=E7xMzvqBYYcfyROZ#

Scroll to Top