September 11, 2026 | News by PISD

π π¨ππ π₯ππ ππ¨π§ππ‘, π§π¨π‘ππ’ π¦π ππππ’π‘π π£πππππππππ§πππ‘
Sa panahon ng peak season ng rambutan, tumataas ang suplay at hindi lahat ng ani ay agad naibebenta sa fresh fruit market. Kapag hindi naibenta kaagad, maaaring bumaba ang farmgate price at masayang ang mga prutas.
Sa pamamagitan ng processing at value addition, maaaring mapakinabangan ang ani nang higit pa sa sariwang pagbebenta.
Isinagawa ang π»πππππππ ππ πΉπππππππ π·πππππππππ πππ π―πππ π-πΆπ π·πππ πππ π«ππππππππππ sa Provincial Agriculture Center (PAC), Provincial Demonstration Farm, Brgy. Merit, Victoria, Oriental Mindoro. Dinaluhan ito ng 32 Farmersβ Cooperatives and Associations (FCAs) at mga magsasaka mula sa ibaβt ibang bayan ng lalawigan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Provincial Agriculturist Christine M. Pine ang kahalagahan ng value addition sa paglikha ng mga bagong produkto, pagpapalawak ng merkado, at pagbuo ng karagdagang pagkakakitaan mula sa mga lokal na ani.
Sa tulong ng DOSTβProvincial Science and Technology Office (PSTO), sa pangunguna nina Director Jesse M. Pine at Engr. Christine Caringal, SRS II, nagsagawa ang mga kalahok ng hands-on product development at nakalikha ng mga sumusunod: Rambutan in Light Syrup with Nata, Rambutan in Light Syrup with Pineapple, Rambutan Concentrate, Rambutan Jam, at Rambutan Wine.
Sa pamamagitan ng processing at value addition, maaaring mapahaba ang shelf life, mabawasan ang postharvest losses, at mapalawak ang market opportunities para sa rambutan at iba pang lokal na produkto.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pamumuno ni Governor Humerlito βBonzβ A. Dolor, sa pamamagitan ng Provincial Agriculturistβs Office (PAgO). Layunin nitong higit na mapakinabangan ang mga lokal na agricultural commodities at makalikha ng karagdagang oportunidad para sa mga magsasaka at rural-based organizations.
Mula sa sariwang ani tungo sa produktong may dagdag na halagaβmula sa rambutan tungo sa mas maraming oportunidad.
