September 11, 2026 | News by PISD

π₯ππ ππ¨π§ππ‘ ππ¨πππ, π₯ππ ππ¨π§ππ‘ πͺππ‘π, π₯ππ ππ¨π§ππ‘ πππ ππ§ π₯ππ ππ¨π§ππ‘ π¦π¬π₯π¨π£.
Tuwing buwan ng Agosto at Setyembre o peak season ng Rambutan, tumataas ang suplay nito sa lalawigan. Kasabay ng pagdami ng suplay ay ang pagbaba ng presyo na labis na iniinda ng mga magsasaka. Kaya naman kinakailangan natin ng solusyon.
Kahapon, dinaluhan ng 32 Farmersβ Cooperatives and Associations (FCAs) at mga magsasaka mula sa ibaβt ibang bayan ng lalawigan ang isinigawa π»πππππππ ππ πΉπππππππ π·πππππππππ πππ π―πππ π-πΆπ π·πππ πππ π«ππππππππππ sa Provincial Agriculture Center (PAC), Provincial Demonstration Farm, Brgy. Merit, Victoria, Oriental Mindoro. Nakapaloob sa pagsasanay na ito ang paggawa ng mga produktong mula sa Rambutan na maaaring maibenta ng magsasaka hindi lamang tuwing peak season.
Maraming salamat sa Provincial Agriculturistβs Office (PAGO) sa pangunguna ni Christine Pine at sa tulong ng DOSTβProvincial Science and Technology Office (PSTO) sa pangunguna nina Director Jesse M. Pine at Engr. Christine Caringal, SRS II, naisagawa ng mga kalahok ng hands-on product development at nakalikha ng mga sumusunod: Rambutan in Light Syrup with Nata, Rambutan in Light Syrup with Pineapple, Rambutan Concentrate, Rambutan Jam, at Rambutan Wine.
Sa pamamagitan ng processing at value addition, maaaring mapahaba ang shelf life, mabawasan ang postharvest losses, at mapalawak ang market opportunities para sa rambutan at iba pang lokal na produkto.
Isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan na higit na mapakinabangan ang mga lokal na agricultural commodities at makalikha ng karagdagang oportunidad para sa mga magsasaka at rural-based organizations.
Mula sa sariwang ani tungo sa produktong may dagdag na halagaβmula sa rambutan tungo sa mas maraming oportunidad.
