DaBaLisTiHit Festival 2026, ipinagdiriwang sa Naujan

September 10, 2026 | News by PISD

𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗗𝗮𝗕𝗮𝗟𝗶𝘀𝗧𝗶𝗛𝗶𝘁 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹, 𝗡𝗮𝘂𝗷𝗲ñ𝗼𝘀!

Isang selebrasyong ipinagbubunyi ang biyaya ng Naujan Lake at ang iba’t ibang uri ng isdang-tabang na matatagpuan dito:

🐟𝗗𝗮 para sa Dalag;

🐟𝗕𝗮 para sa Banak;

🐟𝗟𝗶𝘀 para sa Banglis;

🐟𝗧𝗶 para sa Tilapia; at

🐟𝗛𝗶𝘁 para sa Hito.

Higit pa sa isang makabuluhang pagdiriwang, simbolo rin ito ng buhay na kwento ng Naujan na nakaugat sa saganang lawang hindi lamang pinagkukunan ng kabuhayan at nagtataguyod sa sektor ng pangisdaan, kundi patuloy na humuhubog sa pagkakaisa ng mga mamamayan, at higit pang nagpapayaman sa natatanging kultura at makulay na tradisyon ng nasabing bayan.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0bF4CP5VyqPvCiSmQAeqL3Dt7m18hbc1F9FNXThCAzEjAiJpuMqwuWEi5oHqXhbxYl?rdid=JYOkkis8yxo5F1Ot#

Scroll to Top