3rd Quarter NSED, matagumpay na naisagawa sa bayan ng Gloria

September 11, 2026 | News by PISD

𝟯𝗿𝗱 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿 𝗡𝗦𝗘𝗗, 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗶𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗚𝗹𝗼𝗿𝗶𝗮

10 Setyembre 2026, Gloria — Naging matagumpay ang isinagawang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw na ginanap sa Gloria Municipal Compound.

Layunin ng naturang drill na higit pang mapahusay ang command and emergency coordination, information management, damage assessment, evacuation procedure, pagsasagawa ng search, rescue and retrieval operations (SRR) at iba pang emergency response operations upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan sa oras ng aktuwal na sakuna.

Nagpaabot ng pasasalamat si Gloria Mayor Teresita M. Ong sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagpili sa kanilang bayan bilang pilot venue ng 3rd Quarter NSED. Aniya, malaking tulong ang pagsasagawa ng drill upang masukat ang kahandaan ng lokal na pamahalaan at matukoy ang mga aspetong kinakailangan pang mapahusay sakaling magkaroon ng aktuwal na lindol.

Tampok din sa gawain ang turnover ng mga emergency equipment kabilang ang spine board, cervical collar, fire extinguisher, at first aid kit para sa MDRRMO Gloria at Barangay Maligaya, bilang karagdagang suporta sa kanilang disaster preparedness at response capability.

Pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na pinamumunuan ni PDRRM Officer Vinscent B. Gahol ang pagsasagawa ng drill sa pakikipagtulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Gloria at iba pang katuwang na ahensya at organisasyon.

Nakiisa rin sa naturang gawain ang Bureau of Fire Protection, Gloria Municipal Police Station, Philippine Coast Guard, 2nd Provincial Mobile Force Company, Oriental Mindoro Provincial Police Office, Barangay Maligaya BHW at BPATS, at iba pang stakeholders.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0kDfGDCKdNi5tAG2vtL9EmNu3TzkLnBmwanrHbhoQZTBZeZGnPZsjzPTPCj1msuJEl?rdid=cD4mRvHtoSTykblq#

Scroll to Top