September 9, 2026 | News by PISD

๐ ๐ฎ๐ต๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ญ๐ฑ๐ฌ ๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐๐๐ฎ, ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ด ๐๐ฝ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ ๐ก๐ฎ๐๐ท๐ฎ๐ป
09 Setyembre 2026, Naujan โ Mahigit 150 aso at pusa ang nabigyan ng libreng serbisyong spay at neuter sa bayan ng Naujan ngayong araw bilang bahagi ng MIMAROPA Initiative Oriental Mindoro Leg 2026 Spay and Neuter Activity sa lalawigan.
Pinangunahan ng Provincial Veterinary Office (ProVet) ang gawain sa pakikipagtulungan ng Naujan Municipal Agriculture Office, Calapan City Veterinary Services Office, kasama ang mga ProVet ng Marinduque, Romblon, at Occidental Mindoro, at ilang mga volunteer veterinarian.
Layunin ng programa na maisulong ang responsableng pag-aalaga ng mga hayop at makatulong sa pagkontrol sa patuloy na pagdami ng mga aso at pusa sa mga komunidad.
Samantala, naging bahagi rin ng gawain ang mass-anti rabies vaccination para sa mga alagang hayop.
Sa pamamagitan ng libreng serbisyong beterinaryo, nabibigyan din ng pagkakataon ang mga pet owner na mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng kanilang mga alagang hayop habang nakatutulong sa pagsusulong ng mas ligtas at responsableng pamamahala sa populasyon ng mga hayop sa lalawigan.

