September 9, 2026 | News by PISD

𝐋𝐔𝐒𝐎𝐆 𝐈𝐒𝐈𝐏, 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐊𝐀𝐓𝐀𝐖𝐀𝐍 | | 𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐕𝐀𝐋𝐋𝐄𝐘 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐇𝐈𝐆𝐇 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 | 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Isinagawa ang isang Health Promotion Activity ng Provincial Health Office (PHO) sa Happy Valley National High School, na naglalayong palawakin ang kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa mahahalagang usaping pangkalusugan.
Tinalakay ang mga sumusunod:
Hypertension – kahalagahan ng pag-iwas, regular na blood pressure monitoring, at healthy lifestyle.
Mental Health Awareness & Suicide Prevention – pagkilala sa mga senyales ng emotional distress, kahalagahan ng pakikinig at suporta, at kung saan maaaring humingi ng tulong.
HIV Awareness – tamang impormasyon tungkol sa HIV, paraan ng transmission at prevention, at paglaban sa stigma at discrimination.
Sa pamamagitan ng tamang kaalaman, layunin nating mahubog ang mga kabataang may kamalayan, may malasakit, at marunong gumawa ng responsableng desisyon para sa kanilang kalusugan.
