Field validation para sa Ulirang Nakatatanda Awards 2026, nagsimula na

September 8, 2026 | News by PISD

Nagsimula na ang field validation para sa Ulirang Nakatatanda Awards (UNA) 2026.

Bahagi ito ng masusing proseso ng pagsusuri upang higit na himayin ang mga napanagumpayan, ambag, at inspirasyong hatid ng ating mga nakatatanda sa kanilang pamilya at komunidad.

Sa pamamagitan ng field validation, layuning tiyaking patas at makabuluhan ang pagtataya kung sino ang karapat-dapat na tanghaling Ulirang Nakatatanda (UNA) ngayong taon.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0sMTRMQ6PSxoXVrFp65tNXZ7ujZQoKpfKNL2krqUBGj4jEhafJJzyFfdqxzwbyWxtl?rdid=iuWxFbkuR1sAq3Zb#

Scroll to Top