DAY 2: Basic Life Support Training para sa PPsKa Teachers

September 8, 2026 | News by PISD

𝟎𝟔 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟔

𝐃𝐚𝐲 𝟐 | 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐋𝐢𝐟𝐞 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐏𝐬𝐊𝐚 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫𝐬

Matagumpay na naisagawa ang ikalawang araw ng 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐋𝐢𝐟𝐞 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 (𝐁𝐋𝐒) 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 para sa mga 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠-𝐞𝐝𝐮𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐛𝐥𝐢𝐛𝐚𝐧 (𝐏𝐏𝐬𝐊𝐚) 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫𝐬 ng Oriental Mindoro, sa pangunguna ng 𝐏𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎, katuwang ang 𝐏𝐇𝐎 at 𝐏𝐏𝐄𝐒𝐎.

Bilang mga guro na naglilingkod sa iba’t ibang komunidad, kabilang ang mga 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨 o 𝐈𝐧𝐝𝐢𝐠𝐞𝐧𝐨𝐮𝐬 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞𝐬 (𝐈𝐏𝐬), ibinahagi ng mga kalahok ang kanilang galak sa pagkakataong madagdagan ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagliligtas ng buhay. Higit nilang pinahahalagahan ang pagsasanay dahil maaari nilang maibahagi ang kanilang mga natutuhan sa kanilang mga estudyante, na higit pang magpapalawak ng kaalaman at kahandaan sa kanilang mga komunidad.

Nagagalak din ang PDRRMO na maihatid ang mahalagang kaalamang ito sa mga guro, isang hakbang tungo sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga komunidad, lalo na sa mga lugar na mahirap maabot, at sa pagtataguyod ng isang mas 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬, 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚, 𝐚𝐭 𝐝𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫-𝐫𝐞𝐬𝐢𝐥𝐢𝐞𝐧𝐭 𝐧𝐚 Oriental Mindoro.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02zgVzKiyyPcE6Stchs75By5uzprke3PJy3ZgrNPaEGyCNNFkKaWvsZGxgC9kKiodbl?rdid=JXd2AzddeoSlJjPy#

Scroll to Top