September 4, 2026 | News by PISD

๐ฆ๐ฐ๐ผ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐ ๐ผ๐๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฎ ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ผ, ๐บ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐
4 Setyembre 2026, Mansalay – Pinangunahan nina Boy Scout of the Philippines (BSP) Oriental Mindoro Local Council Chairmperson at Governor Humerlito โBonzโ Dolor at Girl Scout of the Philippines (GSP) Oriental Mindoro Council President Hiyas Govinda Ramos-Dolor ang kumpirmasyon sa bagong scouts bilang Investing Officers sa ginanap na Mansalay District Scouting Movement BSP and GSP Investiture and Rededication Ceremony 2026 sa Brgy. Fe Del Mundo Gymnasium.
Indikasyon ito sa patuloy na pagpapalawak ng pamunuan ng BSP at GSP sa Mansalay District na higit pang palakasin ang scouting movement.
Sa pamamagitan ng pagdadagdag ng scouts, magkakaroon ng pagkakataon ang mga kabataang higit na mahubog ang kaalaman, disiplina, pamumuno at paglilingkod.
May kabuuang 434 scouts ang lumahok sa seremonya, kabilang ang 211 girl scouts at 223 boy scouts mula sa iba’t ibang paaralan sa naturang distrito.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Council President Hiyas ang mga kabataan na mahalin ang kanilang sarili, maging lakas ng isaโt isa at patuloy na magbigay ng inspirasyon sa kapwa. Binigyang-diin din niya ang mahalagang suporta ng mga magulang at sponsors sa paghubog ng karakter ng mga kabataan.
Samantala, sinabi ni Gob. Dolor na mahalaga ang pagmamahal sa Diyos, sa bayan at sa sarili sa mga itinuturing niyang myembro ng pinaka the best movement sa buong mundo.
Aniya pa, sa bibihirang pagkakataon na siya at ang kanyang maybahay ang siyang nagkataong sabay na mamuno sa scouting sa lalawigan, kaya sinisikap nilang pantay na maisulong ang mga nararapat na programa para sa kabataang scouts.

