September 4, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Isang interactive health lecture ang handog ng Provincial DOH Office na “Presyon and Answer” sa mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars ng Cluster 3 na kinabibilangan ng mga bayan ng Bulalacao, Mansalay, Roxas, Bongabong at Bansud.
Isa lamang ito sa tampok na gawain sa ginaganap na serye ng 2026 Oriental Mindoro Health Summit.
Hindi lamang natuto at nadagdagan ang kaalaman ng mga BNS at BHW tungkol sa kanilang mahalagang tungkulin, napaalalahanan din sila na dapat ding pagtuunan ng pansin ang kani -kanilang kalusugan bilang frontliners ng kalusugan sa mga pamayanan.

