Interactive Health Lecture, handog sa BHW at BNS

September 7, 2026 | News by PISD

๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ, ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—›๐—ช ๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ก๐—ฆ

07 Setyembre 2026, Lungsod ng Calapan – Buong kagalakan at aktibong nakilahok ang mga Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) na kabilang sa Cluster 3 sa interactive lecture na โ€œPresyon and Answerโ€ na isinagawa ng team ng Provincial DOH Office.

Maliban dito, binigyang-diin ng PDOHO ang kahalagahan ng pagiging mapanuri sa mga kumakalat na unverified information upang maiwasan ang pagkalat ng fake news.

Kaakibat nito ang paghikayat sa publiko na kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang Facebook page at iba pang lehitimong social media platforms.

Isa lamang ito sa mga tampok na gawain sa huling serye ng Health Summit, na naglalayong palawakin ang kaalaman at pakikilahok ng mga health workers para sa mas mahusay na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.

Ang Provincial DOH Office (PDOHO), sa pangunguna ni Provincial DOH Officer at DMO V Dr. Ramon C. Bombais, ay patuloy na nagsisilbing matibay na katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO) na pinamumunuan ni PHO II Dr. Cielo Angela Ante, sa pagpapatupad ng mga mahahalagang programang nakatuon sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan ng lalawigan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1JfqsubnaX/

Scroll to Top