September 7, 2026 | News by PISD

๐๐ถ๐ฑ๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ญ๐ฏ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด-๐ถ๐บ๐ฝ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ๐ธ๐๐๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป, ๐ผ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ๐ป
07 Setyembre 2026, Lungsod ng Calapan โ Opisyal nang binuksan ngayong araw ng Bids And Awards Committee (BAC) for Infrastructure ang bidding ng 13 bagong proyektong pang-imprastraktura na nakatakdang ipatayo sa lalawigan.
Kabilang sa mga proyektong ito ang tatlong malalaking pampulikong pasilidad tulad ng โConstruction of Calapan City Active Transport and Side Walk at New Capitol Complex, Calapan Cityโ na nagkakahalaga ng Php73,205,842.26, โConstruction of 1 Storey 4 Classrooms at Cornelio Lintawagan Memorial Elementary School, Naujanโ na nagkakahalaga ng Php12,614,545.18, at โCompletion of OB-GYNE Complex-Oriental Mindoro Provincial Hospital at Sta. Isabel, Calapan Cityโ na may halagang Php12,299.081.26.
Kaugnay nito, nagtungo sa gawain ang mga kinatawan ng mga kumpanyang lumahok sa bidding at nagsumite ng kanilang mga bid para sa proyektong kanilang napili.
Sa pangunguna ni BAC Chairperson at Provincial Administrator Atty. Ligorio R. Turano II, isa-isang sinuri ng mga miyembro ng BAC ang mga nasabing dokumento upang maitiyak na kumpleto ang mga ito at naaayon sa mga itinakdang requirements para sa bidding.
Sasailalim naman sa post-qualification ang bidders upang mapatunayan ang kanilang kakayahang legal, technical, at pinansyal upang maisagawa ang mga proyekto alinsunod sa mga itinakdang requirements ng pamahalaan.
Naging katuwang sa gawain si BAC Vice Chairperson Romeo L. Paner, BAC members na sina Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Officer Vinscent B. Gahol, Governorโs Office โ Special Concerns Division (GO-SCD) Chief Junielo P. Alcuran, Governorโs Office – Management Information Services Division (GO-MISD) Information Officer II Reywel M. Dela Roca, End-User Representative Administrative Officer V Maria Angeline A. Mendoza mula sa Provincial Engineering Office (PEO), at BAC Secretariat na pinangangasiwaan ni Administrative Officer V Engr. Jollie Ver Lasic ng GO -Procurement Division.

