Tatlong bagong imprastraktura para sa edukasyon at kalusugan, isinailalim sa Pre-Bidding

September 2, 2026 | News by PISD

๐—ง๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ธ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ-๐—•๐—ถ๐—ฑ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด

02 Setyembre 2026, Lungsod ng Calapan โ€“ Nagtipon ang Bids and Awards Committee (BAC) ngayong umaga para sa pre-bidding ng tatlong proyektong pang-imprastraktura na nakatakdang ipatayo sa lalawigan bilang karagdagang pasilidad para sa sektor ng edukasyon at kalusugan.

Kabilang sa mga proyektong pang-edukasyon na isinailalim sa nasabing gawain ang โ€œConstruction of 1 Unit 1 Storey 2 Classrooms at Lower Yunot Elementary School, Bulalacao, Oriental Mindoroโ€ na nagkakahalaga ng Php6,308,410.43 at โ€œConstruction of 1 Storey 2 Classrooms at Calatagan Elementary School, Pola, Oriental Mindoroโ€ na nagkakahalaga naman ng Php6,305,148.14.

Magkatuwang na pangungunahan ang pagpapatayo ng mga imprastrakturang ito ng Provincial Government of Oriental Mindoro (PGOM) at Department of Education (DepEd) bilang karagdagang silid-aralan na inaasahang tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral at guro sa nasabing mga paaralan.

Bukod dito, isinailalim din sa pre-bidding ang Php64,349,368.35 na halaga ng proyektong โ€œConstruction of Oriental Mindoro Central District Hospital, Pinamalayan, Oriental Mindoro.โ€

Katuwang ng PGOM sa pagsasakatuparan nito ang Department of Health (DOH) upang higit pang mapaunlad ang pasilidad pangkalusugan para sa mga mamamayang naninirahan sa sentrong bahagi ng lalawigan.

Pinangunahan naman ang nasabing gawain ni BAC Chairperson at Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II.

Dinaluhan ito ng BAC Secretariat, sa pangunguna ni Administrative Officer V Engr. Jollie Ver Lasic ng GO -Procurement Division, BAC Vice Chairperson Romeo L. Paner, mga BAC member na sina Special Concerns Division (SCD) Chief Junielo P. Alcuran, Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Officer Vinscent B. Gahol, Management Information Services Division (MISD) Head Reywel M. Dela Roca, kinatawan mula sa Provincial Engineering Office (PEO) at mga contractors na nagnanais maging bidders sa mga nabanggit na proyekto.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/19UWFz9ied/

Scroll to Top