September 2, 2026 | News by PISD

๐ฆ๐ฎ๐ธ๐ฟ๐ถ๐ฝ๐ถ๐๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐ช ๐ฎ๐ ๐๐ก๐ฆ, ๐ธ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ผ ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐ฆ๐๐บ๐บ๐ถ๐
02 Setyembre 2026, Pinamalayan – Mahigit 1,000 Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) mula sa Victoria, Socorro, Pola, Pinamalayan at Gloria ang nakiisa sa unang serye ng 2026 Oriental Mindoro Health Summit sa Punzalan Gymnasium.
Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangangsiwa ng Provincial Health Office (PHO), katuwang ang Provincial Department of Health Office (PDOHO) ang pagtitipon bilang pagkilala sa sakripisyo at mahalagang ambag ng mga BHW at BNS bilang mga โgatekeeper ng kalusuganโ sa bawat pamayanan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Governor Humerlito โBonzโ Dolor ang kanilang mahalagang papel at tiniyak ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan, habang tinawag naman ni Vice Gov. Antonio โJojoโ Perez Jr. ang mga BHW at BNS bilang โmakabagong bayani ng panahon.โ Kinilala rin ni SP 2nd District Board Member Atty. Roland Ruga ang mga ito bilang mukha ng pamahalaan sa bawat barangay.
Ayon kay PHO II Dr. Cielo Angela Ante, mahalaga ang tungkulin ng bawat BHW at BNS sa pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) at mga programang pangkalusugan, lalo na sa pagbabakuna, health monitoring, health education at pag-uugnay ng mga residente sa kinakailangang serbisyong medikal.
Pagpapahayag naman ng patuloy at todong suporta sa PHO at ang pagkilala at pasasalamat sa pagiging masigasig ni Gob. Dolor sa pagsusulong at pagprayoridad sa mga programang pangkalusugan para sa lahat ng mamamamayan ng lalawigan ang mensahe ni Dr. Bombais.
Tampok din sa summit ang health information and education campaign sa ibaโt ibang programang pangkalusugan na ipinapatupad ng PHO at PDOHO. Gayundin, ang Hataw sa Kalusugan, Indak para sa Kalusugan, panunumpa ng BHW Federation of Oriental Mindoro at BNS Federation of Oriental Mindoro, at pagkakaloob ng special cash incentive at health kits para sa mga barangay.
Sa pagtitipong ito, muling ipinadama ng Pamahalaang Panlalawigan sa aktibong pangunguna nina Gob. Dolor at VG Perez na ang mga BHW at BNS ay hindi lamang katuwang sa kalusugan kundi sila ay mahalagang bahagi ng serbisyong umaabot hanggang sa pinakamalalayong barangay.
Samantala, masayang nakibahagi rin sa masayang programa sina Philhealth Oriental Mindoro Chief Insurance Officer Neri Reganit, ORMIN-PPO Provincial Director PCOL Edison V Revita, Dr. Maria Consuelo Mariรฑas ng PHO, kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at iba pang mga indibidwal sa sektor ng kalusugan sa lalawigan.
